Isang 63-anyos na lalaki ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng City Drug Enforcement Team ng Batangas Component City Police Station, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency, ngayong ika-21 ng Enero sa Barangay Calicanto, Batangas City.
Ayon sa Batangas Police Provincial Office, nakumpiska sa suspek ang 3 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na mahigit 52 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng higit P354,960.00.
Narekober din ang isang cal. 45 na baril, magazine na may tatlong bala, belt bag, siyam na piraso ng boodle money at isang libong pisong tunay na perang ginamit sa operasyon.
Ang suspek na si DUDAN ay kasalukuyang nakakulong at haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Firearms Law. | BChannel news