Patuloy na pinakikinabangan ang inilunsad ng baguhang konsehal na si Rollie Delos Reyes ang programang Libreng Sakay sa Tricycle tuwing Miyerkules para sa mga senior citizen sa bayan ng Taysan, Batangas.
Ayon kay Delo Reyes, layunin ng programa na matulungan ang mga nakatatanda sa kanilang pang-araw-araw na biyahe at mahikayat ding tangkilikin ang pamilihang bayan.
Dagdag pa ni Delos Reyes, na siyang pinakabatang halal na opisyal sa kasaysayan ng Taysan at Chairman ng Committee on Public Transportation and Utilities, mula sa sarili niyang bulsa ang pondo ng programa na sinimulan noong Agosto 2025 at patuloy na ipinagpapatuloy.
Bukas ang libreng sakay mula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, kung saan kailangan lamang magpakita ng senior citizen ID at patunay na residente ng bayan.
Matatagpuan ang sakayan sa TTODA Taysan Chapter, tapat ng Zara’s Bakery.
Matatandaang August 2025 nang ilunsad ang naturang programa sa bayan ng Taysan. | BChannel news