Isang lalaki ang nasawi matapos pagsasaksakin sa Barangay Sala, Cabuyao City, Laguna bandang alas-10:30 ng gabi noong Enero 31, 2026.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nakaupo umano sa labas ng isang carwash ang suspek nang dumating ang biktima. Bigla na lamang bunot ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima sa dibdib.
Isinugod pa sa Cabuyao City Hospital ang biktima ngunit idineklara itong patay bandang alas-11:02 ng gabi ng attending physician.
Agad namang tumakas ang suspek ngunit naaresto rin ng mga rumespondeng pulis sa isinagawang hot pursuit operation.
Narekober ang patalim na ginamit sa krimen at dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso. | BChannel news