Magkasamang naglayag ang mga barko pandigma ng Pilipinas, Australia, at Canada sa West Philippine Sea ngayong Martes, sa gitna ng tumitinding tensyon matapos ang banggaan ng dalawang barkong Tsino kamakailan.
Kasama rito ang BRP Jose Rizal, HMAS Brisbane, at HMCS Ville de Quebec.
Ayon sa militar, hindi ito laban sa anumang bansa kundi para ipakita ang “free and open Indo-Pacific” at pagtutulungan para sa kapayapaan at kaunlaran.
Bahagi ito ng ALON Exercises na nagsimula Agosto 15, pinakamalaking joint drills ng PH at Australia, na may kasamang tropa mula Canada at U.S. Marines.
Dagdag pa ng Philippine Navy, balak pa nilang paigtingin ang ganitong joint sails para makatulong na pigilan ang agresyon ng China sa South China Sea.