Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang mahigit ₱16 bilyon halaga ng mga iligal na droga sa Trece Martires City, Cavite ngayong araw, Oktubre 9.
Ayon sa PDEA, ito ang ikalawang pinakamalaking drug destruction sa kasaysayan ng bansa.
Mahigit 2.9 milyong gramo ng solid at liquid drugs ang winasak sa pamamagitan ng thermal decomposition sa pasilidad ng Integrated Waste Management Incorporated.
Kabilang sa sinunog ang shabu, marijuana, cocaine, at ecstasy na nakumpiska sa iba’t ibang operasyon sa Zambales, Cavite, Batangas, at iba pang lugar.
Saksi sa aktibidad sina PDEA Director General Isagani Nerez, mga opisyal ng DDB, PNP, DOJ, at DILG.
Ayon kay Nerez, ang pagsusunog ng mga ebidensiyang droga ay bahagi ng “Bagong Pilipinas” program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa isang tapat at transparent na kampanya kontra droga.