Bahagyang bumaba ang singil sa transmission rates ng kuryente ngayong Oktubre, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
Mula sa average rate na P1.4171 kada kilowatt hour noong Agosto, bumaba ito sa P1.3998 ngayong Setyembre o katumbas ng 1.23% na pagbaba. Ayon sa NGCP, ito ay dahil sa mas mababang singil sa transmission wheeling at ancillary service rates.
Sa breakdown, bumaba sa 59 sentimos kada kilowatt hour ang singil para sa paghahatid ng kuryente, habang nanatiling pinakamalaking bahagi ng transmission charge ang ancillary services.
Nilinaw ng NGCP na hindi sila kumikita mula sa ancillary service rates dahil ito ay diretso binabayaran sa mga power generating companies. | BChannel news