Isang sunog ang naitala sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways o DPWH Cordillera sa Baguio City kahapon ng hapon.
Ayon sa Bureau of Fire Protection Baguio, bandang alas-5:25 ng hapon nang iulat ang sunog sa Financial Management Records Room ng ahensya.
Rumesponde ang mga bumbero at kontrolado ang apoy makalipas lamang ang labing-isang minuto o alas-5:36 ng hapon, at tuluyang idineklarang fire out bago mag alas-5:45. Walang naiulat na nasugatan sa insidente.
Ayon kay City Fire Marshal Mark Anthony Dangatan, isang utility worker ang unang nakapansin ng usok at agad na nagpaalam sa security at iba pang empleyado. Gumamit ang mga kawani ng apat na fire extinguisher habang hinihintay ang pagdating ng mga bumbero.
Sa ulat sa City Disaster Risk Reduction and Management Council, sinabi ni Dangatan na tinatayang isang metro kuwadrado lamang ang naapektuhan ng apoy. Patuloy pang inaalam ang sanhi ng insidente. | BChannel news