Natuklasan ng mga mananaliksik mula sa Institute of Herbal Medicine ng NIH ang bisa ng ulasimang bato (Peperomia pellucida) bilang natural na lunas sa gout at hyperuricemia.
Inilahad ni Prof. Jade Rodriguez sa 2nd Philippine Pharma and Healthcare Expo ang bagong tableta na napatunayang epektibong nagpapababa ng uric acid levels.
Ayon sa mga pag-aaral ng UP Manila, bumaba ng 40% ang uric acid ng mga pasyente sa loob ng 14 na araw, at umabot pa sa 78% pagkalipas ng 49 na araw, nang walang iniulat na masamang epekto. Dahil dito, itinuturing itong ligtas na alternatibo sa mga synthetic na gamot na maaaring makasama sa atay at bato.
Kasalukuyang naghahanap ang UP Manila ng mga katuwang upang mailabas sa merkado ang tableta, na inaasahang magiging abot-kayang lunas para sa maraming Pilipino na may gout. | BChannel NEWS