Isang lalaki ang sugatan matapos pagbabarilin ng suspek sa Brgy. Halang, Naic, Cavite, madaling araw ng Hulyo 8, 2025.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng Naic Municipal Police Station, dakong ala-1:20 ng madaling araw, nasa loob ng isang shop ang biktimang si “Xin”, 28 anyos, nang marinig niya ang biglaang paghinto ng isang motorsiklo malapit sa lugar.
Paglabas niya upang tingnan, nakita niya ang mga suspek na bumaba ng motorsiklo, kinilala ang isa sa mga suspek na si Win may suot na long sleeves at pulang helmet, ang agad bumunot ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril at pinaputukan siya ng humigit-kumulang anim na beses — kahit walang malinaw na dahilan.
Tinamaan ng bala ang biktima at nagkunwaring patay upang hindi na muling barilin. Tumakas naman agad ang salarin sakay ng motorsiklo patungo sa hindi tukoy na direksyon.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad. Ilan sa mga hakbang na isinagawa ay ang dragnet operation, pangangalap ng testimonya mula sa posibleng mga saksi, pagbusisi sa mga CCTV sa lugar, at paghingi ng tulong sa SOCO para sa mas malalim na pagsusuri sa crime scene.
Inaalam na rin ang motibo sa naturang pamamaril. | BChannel NEWS