Batangas Best! Confirmed ’yan!

Batangas Best

Tuklasin ang pinakamagagandang destinasyon, masasarap na pagkain, at natatanging kultura sa Batangas—hatid ng Balisong Channel News Team.

Batangas Best! Confirmed ’yan!
Tampok dito ang mga kuwento ng paglalakbay, turismo, at lokal na negosyo sa iba’t ibang bahagi ng Batangas. Mula beach destinations hanggang food trips, ibinabahagi namin ang mga lugar na tunay na maipagmamalaki—confirmed ’yan!

Ala Eh! Festival, inaasahang dadagsain sa ika-444 na anibersaryo ng lalawigan ng Batangas

Masasa Beach sa Tingloy, Batangas muling binuksan sa publiko

Thousands Flock to J Castles for Dazzling “DREAMERS” 3D Digital Projection Premiere

Balisong Channel, Dumalo sa Grand Opening ng Pastorelli sa Pontefino Hotel Batangas

Ang Batangas Best ay nagsimula bilang isang proyekto ng Balisong Channel na naglalayong kilalanin ang natatanging lasa ng Batangas.

Noong Abril 2021, inilunsad ang Batangas Best Lomi Competition, isang kompetisyon na nagbigay-pugay sa isa sa pinakasikat na putahe ng probinsya, at ‘yan ang lomi. Layunin nitong tuklasin at ipakita ang pinakamahusay na lomi sa Batangas, habang sinusuportahan ang mga lokal na kainan at negosyante.

Dahil sa naging tagumpay at pagtangkilik ng publiko, lumawak ang konsepto nito. Pagsapit ng 2024, hinango ang pangalan at ideya ng Batangas Best upang maging isang regular na segment sa morning news program na Good Morning Batangas.

Sa desisyon ng Balisong Channel News team, hindi na lamang pagkain ang tampok kundi pati ang iba’t ibang lokal na negosyo, mula sa maliliit na entreprenyur hanggang sa mga umuusbong na destinasyon sa probinsya. Naging plataporma ito upang maipakilala ang husay, sipag, at kwento ng mga Batangueño.

Pagsapit ngayong 2026, muling sumailalim sa mas malawak na pagbabago ang programa. Pormal itong ni-rebrand bilang isang travel at immersive show, na may layuning hindi lamang magbalita kundi iparanas mismo sa manonood ang bawat kwento at destinasyon. Dito isinilang ang bagong identidad:

Batangas Best! Confirmed ’Yan!

Ang bagong tagline na “Confirmed ’Yan!” ay hinango mula sa signature branding ng Balisong Channel na “Confirmed ang saya!”, na sumisimbolo sa tiwala, kalidad, at tunay na kasiyahan sa bawat tampok.

Sa kasalukuyan, ang Batangas Best! Confirmed ’Yan! ay nagsisilbing isang makabagong travel at lifestyle program na naglalayong tuklasin ang mga nakatagong yaman ng Batangas, at mula sa mga resort at destinasyon, hanggang sa pagkain, kultura, at kwento ng mga tao na sadyang maipagmamalaki.

Batangas Best! Confirmed ’yan!: Farm-to-Table Samgyupsal Experience sa Batangas, Patok sa Food Lovers!

May alam ka bang “Batangas Best”? I-share mo sa amin at baka ma-feature na next—confirmed ’yan!

error: Copyright Protected by BalisongChannel NEWS