Isang lalaki ang ilegal na nagpaputok ng baril sa Brgy. Laurel, Taysan, Batangas nitong Sabado ng gabi, July 12, 2025.
Ayon sa Taysan Municipal Police Station, bandang alas-nuwebe ng gabi, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen ukol sa pagpapaputok ng baril habang may kasiyahan.
Pagdating ng mga awtoridad sa lugar, nakumpirma mula mismo kay Leandro, ang birthday celebrant, na habang sila ay nag-iinuman sa kanyang kaarawan, bigla na lang nagpaputok ng baril ang ilan sa kanyang mga bisita, dala umano ng labis na kasayahan.
Matapos ang pagpapaputok, agad umanong umalis ang mga suspek.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy at mahanap ang mga responsable sa insidente at masampahan ng kaukulang kaso. BChannel NEWS