Itinalaga bilang bagong Club President ng Batangas Lions Club si Hernan Babasa, na inaasahang magpapatuloy sa mga programa ng organisasyon para sa pagtulong sa mga nangangailangan at pagseserbisyo sa komunidad.
Si Hernan ay anak ni Honesto Babasa, na nagsilbi ring pangulo ng club noong 1988 at naging aktibong miyembro nito sa loob ng mahigit 50 taon.
Sa ilalim ng bagong pamumuno, layunin ng Batangas Lions Club na palakasin pa ang kanilang humanitarian programs, community outreach at partnerships upang mas maraming mamamayan ang maabot ng kanilang mga proyekto.
Inaasahan ding mahihikayat ang mas maraming miyembro at mamamayan na makilahok sa mga gawaing pangkomunidad, alinsunod sa pangunahing adbokasiya ng Lions Clubs International na “We Serve.”
Bahagi rin ng bagong pamumuno ni Hernan ang pagpapatuloy sa serbisyong iniwan ng kanyang ama at pagpapatatag sa samahan sa pamamagitan ng pagkakaisa at malasakit sa kapwa.