Umaasa ang mga naiwang pamilya ng mga nasawi sa malawakang anti-corruption protests sa Nepal na hindi mauuwi sa wala ang sakripisyo ng kanilang mahal sa buhay.
Umabot sa 51 ang namatay sa loob ng dalawang araw ng kaguluhan—pinakamalala mula nang matapos ang civil war at pagbagsak ng monarkiya noong 2008.
Isa sa mga biktima si Santosh Bishwakarma, 30 anyos, na binaril sa unang bugso ng kilos-protesta. Ang kanyang asawa at mga anak ngayon ay umaasa na tutuparin ng bagong pamahalaan ang ipinaglaban ng kanyang kabiyak.
Nagbitiw sa puwesto si dating Prime Minister KP Sharma Oli, at pansamantalang ipinalit si dating Chief Justice Sushila Karki para mamuno sa anim na buwang transisyon tungo sa halalan.
Para sa mga kabataan ng Nepal, ito raw ay simula ng tunay na pagbabago. | BChannel NEWS