Dalawang kolehiyo mula sa Lipa City, Batangas ang kinilala ng Professional Regulation Commission bilang Top Performing Schools sa Criminology Licensure Exam nitong Agosto 2025.
Pasok sa kategoryang may 51 hanggang 100 examinees at may hindi bababa sa 80% passing rate, nagtala ng 98.15% passing rate ang Lipa City College na siyang Top 2 Performing School sa buong bansa.
Samantala, pumuwesto sa ika-6 ang Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa na may 86.79% passing rate.
Sa kabuuan, 13,074 sa 25,410 examinees ang pumasa sa buong bansa. Iaanunsyo pa ng PRC ang petsa at lugar ng panunumpa ng mga bagong criminologist. | BChannel News