Lumalakas pa ang Bagyong Opong habang papalapit kalupaan ayon sa PAGASA as of 11:00 am ng September 24.
Ang sentro ng Tropical Storm Opong ay namataan sa layong 815 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao. May lakas ito ng hangin na umaabot sa 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na hanggang 105 kilometro kada oras. Kumakilos ito pa-kanluran timog-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Northern Samar, Eastern Samar at Samar kung saan inaasahan ang mahihinang hanggang katamtamang pinsala dahil sa hangin.
Bukod sa bagyo, pinalalakas din ng hanging habagat ang mga pag-ulan at malalakas na bugso ng hangin sa malaking bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao. May banta rin ng coastal flooding at storm surge lalo na sa mga mabababang baybayin ng Southern Luzon at Eastern Visayas.
Inaasahang magla-landfall si Opong sa Bicol Region sa Biyernes ng hapon at tatawid ng Southern Luzon hanggang Sabado ng umaga. Posible itong maging typhoon bago tumama sa lupa at muling lalakas paglabas sa West Philippine Sea. | BChannel news