Arestado ang isang lalaki sa Brgy. Sampaloc, Talisay, Batangas matapos ang isinagawang joint police operation noong October 16, 2025.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Arabo,” 41 anyos, isang gardener at residente ng nasabing barangay
Sa operasyon, nakuha sa kanya ang isang Colt .45 caliber pistol na may magazine at anim na bala, dalawang karagdagang bala ng parehong kalibre, at dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang sampung gramo at tinatayang halaga na 68,000 pesos.
Inaresto siya ng mga tauhan ng Talisay Municipal Police Station, 1st Batangas Provincial Mobile Force Company, at Provincial Intelligence Unit ng Batangas Police Provincial Office sa bisa ng search warrant para sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Dinala ang suspek sa Talisay Police Station para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaso sa paglabag sa RA 10591 at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.