Opisyal nang inilunsad nitong October 01, 2025 ng Social Security System o SSS ang MySSS Card – isang makabagong ID at debit card sa iisa.
Ayon kay SSS President and CEO Robert Joseph Montes De Claro, papalitan na ng MySSS Card ang dating UMID.
Hindi lang ito ID, kundi debit card na konektado sa savings account. May EMV chip at integrated sa PhilSys eVerify at biometrics para siguradong ligtas at convenient ang pag-access ng benepisyo, loans, at pensyon.
Pwede rin itong gamitin sa shopping, pamasahe, at online purchases. Sa ngayon, sa RCBC muna ito available sa pamamagitan ng DiskarTech app, pero susunod na rin ang iba pang partner banks gaya ng AUB, China Bank, at Union Bank.
Hindi na rin kailangan pang mag-enroll sa DAEM dahil automatic nang gagamitin bilang main disbursement account ang MySSS Card. Ang mga miyembro, pensioners, at beneficiaries na may permanent SS number, updated My.SSS account, at registered sa National ID system ay qualified mag-apply.
Kapag approved, matatanggap ang card sa loob ng 15 working days sa Metro Manila at 20 days naman sa probinsya.
Dagdag pa ni De Claro, ang MySSS Card ay bahagi ng digital transformation ng gobyerno, alinsunod sa direktiba ni Finance Secretary at Social Security Commission Chair Ralph Recto na gawing mas mabilis at mas maginhawa ang serbisyo para sa lahat ng miyembro. | BChannel news