Naitala ng PHIVOLCS ang magkakasunod na pagyanig sa Luzon ngayong Huwebes, October 9, 2025.
Alas 10:30 ng umaga, isang magnitude 4.8 na lindol ang yumanig sa Pugo, La Union. Tinatayang may lalim itong 10 kilometro. Naramdaman ito bilang Intensity V sa Baguio City, Intensity III sa Aringay, Bontoc, at Sison, Pangasinan, habang Intensity I hanggang II naman sa ilang bahagi ng La Union, Nueva Ecija, at Pangasinan.
Mas maaga kaninang 7:54 ng umaga, may naitalang magnitude 3.9 na lindol sa karagatan malapit sa Sabtang, Batanes na may lalim na 14 kilometro.
Dakong 5:14 ng umaga, isang magnitude 2.2 na pagyanig naman ang naitala malapit sa Morong, Bataan, at 4:1 magnitude na lindol sa Panukulan, Quezon bandang 2:51 ng madaling-araw na naramdaman bilang Intensity I sa Infanta.
Pinakamaaga ngayong araw, 1:44 AM, isang magnitude 2.6 na lindol din ang tumama malapit sa Mamburao, Occidental Mindoro na may lalim na isang kilometro.
Ayon sa PHIVOLCS, asahan ang pinsala mula sa mga naturang lindol, ngunit pinaaalalahanan pa rin ang publiko na manatiling alerto at sumubaybay sa mga opisyal na abiso. | BChannel news