Patuloy ang aktibidad sa Taal Volcano sa Batangas matapos makapagtala ng sunod-sunod na volcanic earthquakes nitong mga nakaraang araw.
Ayon sa PHIVOLCS, umabot na sa 10 volcanic earthquakes ang naitala ngayong araw October 9. Nagsimula ang pagyanig noong October 6 na may 7 na lindol, sumampa sa 19 noong October 7, at 20 naman nitong October 8.
Samantala, nakapagtala rin ng Sulfur Dioxide flux na umaabot sa 1,892 tonelada bawat araw noong September 30, 2025
Ibig sabihin nito, patuloy pa rin ang paglabas ng gas mula sa bunganga ng bulkan.
Napansin din ang mahina ngunit tuloy-tuloy na pagsingaw o steaming na umabot sa taas na 600 metro, na napadpad sa timog-kanlurang direksyon.
Sa ngayon, Alert Level 1 pa rin ang nakataas sa Taal Volcano. Pinapayuhan pa rin ang publiko na manatiling alerto at iwasan ang paglapit sa main crater dahil maaari pa ring magkaroon ng biglaang pagsabog ng singaw o gas. | BChannel news