Isang dalagita ang nasawi matapos barilin ng isang lalaki sa Barangay Balagtas, Batangas City pasado alas-2 ng hapon nitong October 24, 2025.
Batay sa imbestigasyon ng Batangas City Police Station, nangyari ang insidente sa loob ng bahay ni Crimely kung saan magkasama noon ang biktima at ang suspek.
Sa gitna ng di pa malinaw na dahilan, bigla umanong binunot ng suspek na kinilalang si Jairus, 23 anyos, residente sa Barangay Balete, ang hindi pa matukoy na uri ng baril at binaril ang biktima.
Tinamaan sa kanang binti ang 15-anyos na estudyante at residente rin ng Batangas City.
Isinugod naman ito sa Batangas Medical Center para gamutin subalit binawian na rin ito ng buhay, habang mabilis namang tumakas ang suspek dala ang ginamit na baril.
Naiulat sa mga awtoridad ang insidente bandang alas-5:30 ng hapon ng parehong araw.
Patuloy ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng Batangas City Police upang matukoy ang motibo ng pamamaril habang nasa kustodiya ang suspek at mahaharap sa kaukulang kaso. | BChannel news