Nasawi ang isang rider matapos aksidenteng mabangga ng isang closed van sa Barangay Sinisian West, Lemery, Batangas pasado ala-1 ng hapon, October 23, 2025.
Base sa ulat ng Lemery Municipal Police Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na nag-report ng banggaan sa kahabaan ng National Highway sa naturang barangay.
Sa isinagawang paunang imbestigasyon, lumalabas na ang closed van na kulay puti, may plakang GAD 3897, at minamaneho ni Randy, ay bumabaybay sa inner lane ng highway nang aksidenteng mabangga nito ang isang motorcycle na kulay puti, na minamaneho naman ni Ignacio.
Dahil sa tindi ng impact, nagtamo ng matitinding sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan si Ignacio. Isinugod sa pagamutan, ngunit idineklara itong dead on arrival.
Patuloy din ang imbestigasyon ng Lemery Police sa naturang insidente at masampahan ng kaukulang kaso ang naturang driver. | BChannel news