VIRAL ngayon sa social media ang isang nurse mula sa Calumpit, Bulacan matapos mahuli umanong naglalaro ng Mobile games habang naka-duty sa ospital.
Makikita sa video na ipinost ng netizen na si Ash Bautista na abala ang naturang nurse sa paglalaro ng mobile game kahit may pasyente umanong kailangang asikasuhin.
Sa caption ni Bautista, sinabi nitong, “Calumpit District Hospital ano na?! Yung nurse nyo, Imbes puntahan erpat ko, wait lang daw!”
Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen ang naturang post.
Ayon sa ilan, karaniwan na raw ang ganitong sitwasyon sa ilang pampublikong ospital.
May isa pang nagsabi, “Ganyan talaga kapag public hospital, sinuswelduhan pero masusungit at ang kukupad pa kumilos.”
Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang Calumpit District Hospital kaugnay ng naturang viral video.