Umabot sa 14 volcanic earthquakes, kabilang na ang 10 volcanic tremors na tumagal ng isa hanggang dalawang minuto ang naitala ng PHIVOLCS sa paligid ng Bulkang Taal.
Batay sa nakalipas na 24 oras at ayon sa latest update ng ahensya ngayong Miyerkules, napag-alamang may mahina ngunit tuloy-tuloy na pagsingaw ng usok na umaabot hanggang 600 metro ang taas, at napapadpad sa timog-timog-kanluran ng bulkan.
Nakapagtala rin ng 318 tonelada kada araw ang sulfur dioxide emission noong Oktubre 31, 2025. Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 1 ang Taal Volcano.
Pinapayuhan ang publiko na iwasan pa rin ang permanent danger zone sa paligid ng Taal Volcano Island.