Arestado ng mga tauhan ng Lipa City Police Station Warrant Section, katuwang ang 403rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 4A, ang isang kilalang wanted person na kinilalang si Adrian, na nasa Rank 10 ng Provincial Most Wanted List, sa isinagawang operasyon sa Barangay 1, Lipa City Batangas nitong Nobyembre 5, 2025.
Ang suspek, si Adrian, 38 anyos, binata, isang driver, at residente ng Barangay 11, Lipa City, ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 12 ng Lipa City noong Nobyembre 4, 2025, kaugnay ng kasong Carnapping, na may itinakdang pyansa na tatlong daang libong piso (₱300,000).
Ayon sa ulat ng pulisya, maayos na isinagawa ang operasyon at gumamit ng body-worn cameras ang mga otoridad bilang pagsunod sa kautusan ng korte.
Sa kasalukuyan, nakakulong na si Adrian sa custodial facility ng Lipa City Police Station habang hinihintay ang pagdinig ng kanyang kaso.