Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa Ilusong Creek, Brgy. Mayao Parada, Lucena City, Quezon bandang alas-8:30 ng umaga nitong Nobyembre 5, 2025.
Ayon sa ulat ng Lucena City Police Station, kinilala ang biktima na si Silvestre, 76 anyos, at residente ng nasabing barangay.
Ang katawan ng matanda ay nadiskubre ni Arnold Aranilla, isang residente, at agad na ipinagbigay-alam sa mga opisyal ng barangay.
Batay sa imbestigasyon, huling nakita ang biktima noong Nobyembre 3 na naglalakad sa tabi ng creek. Ayon sa pamilya, nakararanas umano ito ng panlalabo ng paningin.
Sa paunang pagsusuri ng mga pulis, walang nakitang palatandaan ng foul play, ngunit isasailalim pa rin ang bangkay sa autopsy upang malaman ang tunay na sanhi ng pagkamatay. | BChannel news