Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice ang tatlong dating opisyal ng Department of Public Works and Highways–Bulacan 1st District Engineering Office dahil sa umano’y P1.6 bilyong tax evasion.
Kinilala ang mga ito na sina dating District Engineer Henry Alcantara, Assistant District Engineer Brice Ericson Hernandez, at Construction Section Chief Jaypee Mendoza.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., lumabas sa lifestyle check na labis-labis ang yaman ng tatlo kumpara sa kanilang kita bilang opisyal ng gobyerno. Natuklasan na ang kanilang mga income ay galing umano sa kickback ng mga ghost flood control projects na nilaban pa sa casino gambling.
Sa tulong ng AMLC, LRA, LTO, at PAGCOR, napatunayan ng BIR na may mga luxury vehicles, mamahaling ari-arian, at casino transactions ang tatlo na hindi tugma sa kanilang tax returns.
Ito na ang ikalawang batch ng mga kasong may kaugnayan sa anomalya sa flood control projects, ayon sa BIR. | BChannel news | Photo: PNA