Sa isinagawang Search and Retrieval Operation noong Nobyembre 18, 2025, natagpuan ng mga diving team sa Taal Lake sa Laurel Batangas ang 26 piraso ng umano’y human skeletal remains.
Nagsimula ang operasyon bandang 10:59 ng umaga at nagtapos ng 1:50 ng hapon.
Ayon sa ulat, narekober ng divers ang mga labi mula sa isang black fine net at ito ay ini-turn over sa RFU4A-Team Cavite. Sinuri naman ng SOCO at ni PCPT Wendelbert Junsay, Medico-Legal Officer ng RFU 4A Batangas, ang mga natagpuang labi.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng RFU4A-Team Cavite ang mga ebidensya para sa masusing dokumentasyon at karagdagang imbestigasyon. | BChannel news