Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos mahulihan ng ilegal na baril at droga sa Brgy. Ticub, Laurel, Batangas nitong Linggo ng umaga, Nov 23.
Ayon sa Laurel Municipal Police, nakilala ang suspek na si Orlan at nakumpiska ang isang 9mm pistol, dalawang magazine, 39 bala, isang black gun case, at dalawang sachet ng shabu na may bigat na apat na gramo, na nagkakahalagang 27,200 pesos.
Ayon sa pulisya, base sa intelligence at report mula sa nakaraang datos, nauna na ring mahuli ang suspek noong March 13, 2018 dahil sa paglabag sa RA 10591.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. | BChannel news