Inisyal nang inaprubahan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang palawigin mula tatlo hanggang limang taon ang bisa ng rehistro ng mga bagong biling sasakyan.
Ayon sa Malacañang, layon nitong bawasan ang abala at gastos ng mga motorista at pabilisin ang mga transaksyon sa gobyerno.
Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na inilahad ang panukala ng Department of Transportation sa pulong kasama ang Pangulo. Nakita umano ng Pangulo ang mga benepisyo nito at susundan pa ng mga memorandum mula sa DOTr para sa implementasyon.
Kapag naisakatuparan, inaasahang mababawasan ang pila sa mga tanggapan ng gobyerno at ang dalas ng pagpaparehistro, lalo na para sa mga may brand-new na sasakyan. | BChannel news