Arestado ang isang lalaki sa kasong panghahalay sa ikinasang operasyon ng Sto. Tomas Component City Police Station at 1st Batangas Provincial Mobile Force Company sa Barangay San Pedro, Sto. Tomas City, Batangas nitong November 27, 2025.
Kinilala ng Batangas Provincial Police Office ang suspek na si Mel, 38 anyos, construction worker, tubong Surigao at kasalukuyang naninirahan sa naturang barangay.
Nahuli siya sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 6 sa Tanauan City, noong November 11, 2025.
Ang naturang kaso ay rape sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng RA 8353 kung saan walang inirekomendang piyansa.
Matapos ang pagkakahuli, dinala ang suspek sa kustodiya ng Sto. Tomas Component City Police Station para sa kaukulang proseso. | BChannel news