Patay ang isang babae matapos barilin sa Barangay Cupang, Antipolo City, Rizal madaling araw ng Miyerkules, December 3.
Ayon sa Antipolo City Police Station, nangyari ang insidente bandang 12:55 ng umaga sa Purok 5, Zone 8.
Kinilala ang biktimang si Camille, na pauwi umano mula Marikina nang sundan siya ng isang hindi pa nakikilalang lalaki.
Bigla umano siyang tinutukan at binaril sa ulo, dahilan para bawian siya ng buhay sa mismong lugar. Mabilis na tumakas ang suspek patungo sa isang eskinita matapos ang pamamaril.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagalit umano ang suspek matapos siyang pagmumurahin ng babae.
Matapos ang follow-up operation, naaresto na ng mga pulis ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong murder. Patuloy pang iniimbestigahan ng Antipolo police kung may kasabwat ang suspek at ang tunay na motibo sa pagpaslang. | BChannel news