Pinasok ng mga magnanakaw ang Treasurer’s Office ng Naic Municipal Hall sa Barangay Ibayo Silangan, Naic, Cavite na nadiskubre bandang alas-8:30 ng umaga, December 1, 2025 sa
Ayon sa Naic Municipal Police Station, nai-report ito sa kanila nitong December 3, bandang 12:42 ng tanghali, nang personal na magsadya sa himpilan ang nag-report na si Joyce, empleyado ng Treasurer’s Office.
Batay sa initial investigation, sapilitang pinasok ang opisina matapos sirain ng mga suspek ang bintana sa bahagi ng pantry. Sa pagpasok, tinangay umano ang hindi pa matiyak na halaga ng pera mula sa loob ng opisina.
Agad na rumesponde ang mga imbestigador ng Naic MPS at nagsagawa ng ocular inspection, documentation, at initial assessment. Sinuportahan sila ng mga tauhan ng Treasurer’s Office upang maisara ang lugar at maiwasan ang kontaminasyon ng crime scene.
Kinuhanan ng litrato at dokumentasyon ang sirang bintana na nagsilbing entry point ng mga suspek.
Nag-ikot at nagsagawa ng canvassing at backtracking operations ang pulisya sa paligid ng Municipal Hall para maghanap ng posibleng saksi at tukuyin ang direksyon ng pagtakas ng mga suspek. Nakipag-ugnayan din sila sa Security Office para makuha ang lahat ng CCTV footage sa loob at labas ng Treasurer’s Office bilang bahagi ng pagsusuri.
Sa crime scene processing, naka-collect ang mga imbestigador ng latent fingerprints sa bintana at iba pang maaaring nahawakan sa crime scene. Kinuha rin ang standard fingerprint impressions ng mga empleyado para sa elimination process.
Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon, at hindi pa nakikilala ang mga suspek. | BChannel news