Ilalabas ng Government Service Insurance System o GSIS ang P3.93 bilyon na Christmas cash gift para sa 411,692 eligible pensioners.
Sa unang pagkakataon, kasama na sa benepisyo ang pro-rata at Portability Law pensioners.
Ayon sa GSIS, maaga rin ide-deposito ang December pension mula Disyembre 8, magiging Disyembre 5 para mas mauna ang paghahanda ng mga pensioners sa Pasko.
Ang halaga ng cash gift ay katumbas ng isang buwang pensyon o P10,000, alin man ang mas mababa, at awtomatikong ilalagay sa GSIS ATM accounts.
Paalala ng ahensya sa mga pensioners na kumpletuhin ang Annual Pensioners’ Information Revalidation sa GSIS Touch mobile app.
Ang mga hindi kwalipikado ay kabilang ang survivorship at dependent pensioners, at ilang retirees ayon sa kanilang pagpipilian sa lump sum o cash payments. | BChannel news