Arestado ang labing-apat na katao sa Brgy. Banaba West, Batangas City bandang alas-2:30 ng madaling araw noong Enero 9, 2026, matapos maaktuhang sangkot sa ilegal na bentahan ng produktong petrolyo.
Ayon sa Batangas Police Provincial Office, nagsasagawa ng surveillance ang mga operatiba ng PIU Batangas dakong alas-12:30 ng hatinggabi nang mahuli sa akto ang mga suspek na naglalagay ng gasolina sa limang lalagyan, na may kabuuang 5,000 litro at tinatayang nagkakahalaga ng P60,000.
Kaagad na ipinaalam sa mga suspek ang kanilang mga karapatan at dinala sa kustodiya ng Batangas Component City Police Station para sa tamang disposisyon kaugnay ng paglabag sa Oil Pilferage Law.
Ayon kay Acting Provincial Director, PCOL GEOVANNY SIBALO, patunay ang operasyong ito sa mas pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa ilegal na gawain na banta sa ekonomiya at kaligtasan ng komunidad.| BChannel news