Isang menor de edad na babae ang natagpuang pa+ay sa isang tubuhan sa Valencia City, Bukidnon.
Ayon sa pulisya, iniulat na nawawala ang biktima ng kanyang pamilya mula pa noong Enero 6 matapos hindi makauwi mula sa paaralan.
Kinumpirma ng Police Regional Office 10 na natagpuan ang katawan ng dalagita nitong Huwebes, na hiwalay ang ulo sa katawan.
Ayon kay Police Major Joann Navarro, patuloy ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang salarin at alamin kung may naganap na pang-aabuso.
Batay sa paunang imbestigasyon, karaniwang dumaraan ang biktima sa lugar tuwing umuuwi bandang alas-4:30 ng hapon. Patuloy ang backtracking at forensic examination ng mga awtoridad upang mabuo ang kaso at mapanagot ang mga responsable.