Isang lalaki ang naaresto ng mga pulis sa ikinasang operasyon ng Nasugbu Municipal Police Station nitong Pebrero 2, 2026, bandang alas-9:30 ng umaga sa Sitio Baldeo, Barangay Sandiego, Lian, Batangas.
Kinilala ang suspek na si “Berto,” 42 anyos, magsasaka at residente ng nasabing lugar.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 14 kaugnay ng kasong r*pe na may petsang Setyembre 24, 2003, at walang inirekomendang piyansa.
Gumamit din ng alternative recording device ang mga operatiba upang matiyak ang transparency ng operasyon. Inihahanda na ang mga kaukulang dokumento para sa pagbabalik ng warrant of arrest sa korte. | BChannel news