Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Bangkay ng lalaki, natagpuan sa liblib na lugar sa hangganan ng Sto. Tomas City, Batangas at Alaminos

crime scene do not cross signage

Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuan sa isang liblib na agricultural area sa boundary ng Barangay San Joaquin, Sto. Tomas City, Batangas at Barangay San Andres, Alaminos, Laguna, alas-6 ng umaga nitong Pebrero 8, 2026.

Ayon sa Police Regional Office CALABARZON, bandang alas-10 ng umaga ng parehong araw nang makatanggap ng tawag ang pulisya hinggil sa insidente, kung saan agad na rumesponde ang mga awtoridad.

Sa paunang imbestigasyon, lumabas na ang bangkay ay nadiskubre ng isang magsasaka na papunta sana sa kanyang pinagtatrabahuhang bukirin nang mapansin niya ang walang buhay na katawan sa loob ng taniman.

Ang biktima ay isang hindi pa nakikilalang lalaki, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng berdeng t-shirt at asul na shorts.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang beripikasyon at imbestigasyon ng mga awtoridad. | BChannel news