Arestado ang isang lalaki matapos ang isinagawang buy-bust operation ng Calaca City Police Station bandang alas-4 ng hapon nitong Pebrero 8 sa Barangay Puting Bato West, Calaca City, Batangas.
Kinilala ng kapulisan ang suspek na si Rogelio, 40 anyos, at residente ng Barangay Lumbang Calzada sa nasabing lungsod.
Nasamsam mula sa kanya ang hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P2720.
Bukod sa iligal na droga, nakuha rin sa operasyon ang isang marked money. Isinagawa ang operasyon alinsunod sa awtorisasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Ayon sa pulisya, maayos na ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal matapos ang pagkakaaresto. Dinala muna siya sa Hospital sa Balayan para sa pisikal at medikal na pagsusuri bago tuluyang ipinasok sa custodial facility ng Calaca police.
Sa kasalukuyan, inihahanda na ng pulisya ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kaugnay na kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | BChannel news