Mabilis na narespondehan ng kapulisan ang aksidente ng isang estudyante dahil sa maagap na paggamit ng Unified 911, sa national road ng Brgy. Masaguisit, Lobo, Batangas noong Pebrero 7.
Ayon sa Philippine National Police,bandang 7:20 ng umaga nang mawalan ng kontrol ang motorsiklo ng estudyante mula sa BSU Lobo Campus habang lumiliko sa madulas na kalsada at nagtamo ng pinsala.
Pagsapit ng 7:36 ng umaga, nakatanggap ng tawag ang pulisya sa pamamagitan ng 911 at agad rumesponde ang mga tauhan ng Philippine National Police, katuwang ang barangay at MDRRMO.
Agad na nabigyan ng paunang lunas ang biktima at naisugod sa ospital.
Muling binigyang-diin ng mga awtoridad ang kahalagahan ng tamang paggamit ng Unified 911 sa mabilis at epektibong pagresponde sa mga emergency.| BChannel news