Natagpuan ang sunog na bangkay ng isang babae pasado alas-8:00 ng umaga ngayong Pebrero 12 sa Purok 5 Dayug, Barangay Maddiangat, Quezon, Nueva Vizcaya.
Ayon sa pulisya, naglalakad umano ang mag-asawang residente kasama ang kanilang mga aso nang matunton ang bangkay at agad itong ini-report sa barangay at pulisya.
Nakipag-ugnayan na ang mga awtoridad sa MDRRMO, BFP, at Provincial Forensic Unit para sa pagsusuri at pagkuha ng labi habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Samantala, nanawagan ng hustisya ang Nueva Vizcaya State University – College of Human Ecology para sa kanilang 19-anyos na estudyanteng si Elyza Esmeralda na napaulat na nawawala noong Pebrero 10.
Wala pang kumpirmasyon ang mga awtoridad kung ang natagpuang bangkay ay ang nasabing estudyante. | BChannel news