Nasabat ng Philippine Coast Guard ang tinatayang 180 reams ng undocumented cigarettes na nagkakahalaga ng mahigit 108 libong piso sa Port of Real, Quezon nitong Marte, Pebrero 10.
Ayon sa PCG, nadiskubre ang mga kahon habang nagsasagawa ng routine pre-departure inspection sa isang pampasaherong barko patungong Polillo Island.
Ilang beses na nag-anunsyo ang mga otoridad para hanapin ang may-ari ngunit walang umako sa mga iniwang pakete.
Matapos ang K9 inspection at koordinasyon sa port management, binuksan ang mga kahon at doon tumambad ang mga sigarilyo na walang kaukulang dokumento.
Agad itong kinumpiska at nakatakdang i-turn over sa Bureau of Customs para sa kaukulang imbestigasyon. Patuloy namang pinaigting ng PCG ang pagbabantay laban sa iligal na aktibidad sa mga pantalan. | BChannel News