Handang-handa na ang SM City Batangas sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili at mamamasyal ngayong Pebrero kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day at Chinese New Year.

Ayon kay SM City Batangas Marketing Officer Matt Babasa, inihanda ng pamunuan ang mall bilang pangunahing date spot ng mga Batangueño—mapa-pamilya, magkakaibigan, magkasintahan at maging mga single. Tampok ang iba’t ibang dining options, tsokolate mula sa SM Store at supermarket, at mga stuffed toys na maaaring ipang-regalo.

Sa entrance pa lamang ng mall ay makikita na ang mga nagtitinda ng flower bouquet na nagkakahalaga mula 500 hanggang 2,500 pesos, habang bumabati naman ang mga pulang Chinese lantern bilang bahagi ng selebrasyon. May nakalaan ding espesyal na date area sa itaas ng mall kung saan maaaring mag-picture ang mga bisita.

Hindi rin pahuhuli ang mga single dahil pareho lamang ang mga alok at promos para sa couples at solo celebrants. May Valentine promo rin ang SM Cinema kaugnay ng pelikula nina Jericho Rosales at Anne Curtis na nagkakahalaga ng 230-275 pesos kada tao, habang iaanunsyo pa ang eksaktong schedule ng pagpapalabas.

Samantala, ramdam na rin sa buong mall ang pagdiriwang ng Chinese New Year o Year of the Horse, kung saan dominado ng kulay pula ang mga dekorasyon. Tampok ang iba’t ibang aktibidad tulad ng Snap the Lucky Feels, Bites and Buys, Lucky Claw Challenge at #CNYMustTry na tatakbo mula Pebrero a-1 hanggang a-28.

Sa Pebrero 16, alas-3 ng hapon, lalabas ang Chinese God of Wealth mascot na pinaniniwalaang nagdadala ng suwerte sa mga magpapakuha ng larawan. Sa mismong araw ng Chinese New Year, mag-iikot naman mula alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi ang dragon at lion dancers sa buong mall upang magbigay ng basbas at suwerte sa mga tindahan at negosyo, kalakip ang tradisyunal na pamimigay ng ampao.

Maaari ring mag “Binondo food trip” sa loob ng mall sa pamamagitan ng mga Chinese-owned restaurants tulad ng Classic Savory na nag-aalok ng iba’t ibang pagkaing Chinese.

Sa huli, binati ng pamunuan ng SM City Batangas ang Chinese community ng isang masaganang Bagong Taon at inimbitahan ang lahat ng Batangueño na ipagdiwang ang dobleng okasyon ngayong Pebrero—pink para sa pag-ibig at pula para sa suwerte at kasaganaan. | JMPamintuan, BChannel News | 📸 D.Rupan