Lumalabas sa World Happiness Report 2026 na may malaking epekto ang heavy social media use sa pagbaba ng well-being ng kabataan, lalo na sa teenage girls sa English-speaking at Western countries.
Ayon sa pag-aaral ng University of Oxford, bumaba ang life satisfaction ng mga under 25 sa mga bansang tulad ng US, Canada, Australia at New Zealand sa nakalipas na dekada, at isa sa pangunahing dahilan ay ang sobrang oras sa social media.
Natuklasan din na ang mga kabataang gumagamit ng social media ng limang oras o higit pa kada araw ay mas nakakaranas ng mababang satisfaction sa buhay, kumpara sa mga gumagamit nito nang mas maikli.
Samantala, nananatiling happiest country ang Finland sa ika-siyam na taon, kasunod ang iba pang Nordic nations, habang pumasok naman sa top 5 ang Costa Rica dahil sa matibay na family and social connections.
Sa kabuuan, ipinapakita ng report na mahalaga ang balance sa paggamit ng social media, at mas nakakatulong pa rin sa well-being ang tunay na koneksyon sa pamilya at komunidad.