Iniimbestigahan na ngayon ng LTFRB ang walong bus companies sa PITX matapos ireklamo dahil umano sa ilegal na pagtaas ng pasahe, kahit may utos si Pangulong Marcos Jr. na suspendido muna ang fare hike.
Ayon sa PITX, karamihan sa mga sangkot ay bumibiyahe papuntang Bicol at sinamantala ang dagsa ng pasahero kasabay ng oil price crisis. Umabot umano sa ₱1,700 ang pamasahe sa Sorsogon mula sa dating ₱1,350.
Nakasaad na naisumite na sa LTFRB at DOTr ang reklamo laban sa mga operator kabilang ang ilang kilalang bus lines na Bicol Isarog, RU Diaz, Saint Martha, RMB, Bicol Magayon, Superlines, JVH at DLTB Bus Line.
Pinapayuhan naman ang mga pasahero na agad i-report ang anumang overcharging sa PITX information desk o sa PNP desk sa terminal.
Wala pang nilalabas na pahayag ang mga naturang bus lines ukol sa ginawang nilang taas-pasahe.