Tila bumaha ng luha at emosyon sa comment section ng isang viral video kung saan makikita ang isang babaeng naka-toga na kumakaway habang hawak ang kanyang diploma sa labas ng isang gusaling sinasabing piitan, kung saan naroon ang kanyang ama.
Sa naturang video sa Tiktok, ipinakita ng anak ang kanyang diploma at medalya habang kumakaway kung saan kumaway rin pabalik ang kanyang ama mula sa loob habang may hawak na puting tela at ipinunas sa kanyang mata.
Ayon sa kaanak, naka-schedule ang dalaw kaya sa labas na lamang ipinakita ng anak ang kanyang pagtatapos.
Marami ang naantig sa eksena, at may ilang netizens pang nagsabing tila eksena ito sa pelikulang “The Miracle in Cell No. 7.”
Ang naturang estudyante ay nagmula sa Zamboanga Sibugay at matagumpay na nakapagtapos.