Pumalo na sa panibagong record na P18.16 trillion ang kabuuang utang ng Pilipinas nitong katapusan ng Pebrero, ayon sa Bureau of the Treasury.
Bahagya itong mas mataas kumpara sa P18.13 trillion noong Enero.
Sa datos, mas malaking bahagi ng utang ay mula sa domestic sources o loob ng bansa, habang mas maliit ang galing sa foreign borrowings.
Samantala, bumaba naman ang external debt matapos lumakas ang piso kontra dolyar, na nagbawas sa halaga ng utang na naka-denominate sa foreign currency.
Patuloy pa ring nangungutang ang gobyerno, kabilang ang paglabas ng bonds sa local at international market, para pondohan ang mga proyekto at gastusin ng pamahalaan.
Sa kabila ng pagtaas ng kabuuang utang, sinabi ng Bureau of the Treasury na nananatiling manageable ang debt level, habang binabantayan ang epekto ng galaw ng global economy at foreign exchange.