Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Mga electric vehicle, pwede nang mag-charge nang libre sa SM Center Lemery sa Batangas

Pwede nang mag-charge ng electric vehicle habang namamasyal sa SM Center Lemery sa Batangas.

May be an image of parking meter, jeep, car and text

Inanunsyo ng mall na available na ang EV charging station sa kanilang parking area malapit sa alfresco, bilang bahagi ng kanilang green initiative.

Habang nagsho-shopping, kumakain o nagpapahinga ang mga bisita, maaari na ring i-recharge ang kanilang sasakyan. Bukas ito araw-araw mula 11 AM hanggang 9 PM sa weekdays, at 10 AM hanggang 9 PM naman kapag weekends.

May be an image of phone and text

Libre ang charging pero hanggang 3 oras lang bawat session. Para sa EV users lang ang parking slot at kailangang alisin agad ang sasakyan kapag tapos na mag-charge.

May be an image of text

Ayon sa pamunuan, bahagi ito ng mas pinalawak na programa para sa eco-friendly transport, kung saan mahigit 160 EV charging stations na ang naitatag sa iba’t ibang SM malls sa buong bansa at maaring makita sa https://gosm.link/SMMallsEVChargingFAQs

May be an image of text

Anila, bahagi ito ng SM Green Movement na naglalayong gawing mas accessible ang greener mobility sa komunidad, para sa mas maayos at sustainable na biyahe ng publiko. | #BCBrandLab