Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Taga-Taysan, Batangas namayagpag sa PMMA class of 2026

Isang Batangueño ang kabilang sa mga nanguna sa Philippine Merchant Marine Academy o PMMA “Salighirang” Class of 2026 matapos magtapos bilang Rank 2 ng buong batch.
Si Midshipman First Class Jansen Bautista ng Taysan, Batangas ay nagtapos bilang Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Marine Engineering at tumanggap din ng Vice Presidential Saber Award.
Kabilang si Bautista sa 327 nagtapos na midshipmen sa graduation rites na ginanap sa PMMA Complex sa San Narciso, Zambales.
Ang PMMA ay isa sa mga pangunahing maritime institution sa bansa na naghuhubog ng mga opisyal para sa merchant marine, Philippine Coast Guard, at iba pang sektor ng maritime industry.