Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Driver, nasawi matapos matumbaan ng concrete barrier sa Ibaan, Batangas

Lalaki, Sugatan sa Pananaksak sa Talisay, Batangas

Natagpuang wala nang buhay ang isang service driver sa isang compound sa Barangay Quilo, Ibaan, Batangas, matapos umanong matamaan ng bumagsak na concrete barrier.

Kinilala ang biktima sa alyas na Badong, isang service driver ng STAR Project.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Ibaan Municipal Police Station, bandang alas-7:30 ng umaga nitong October 26, 2026, nang makatanggap ng tawag ang pulisya mula kay Ryan, safety officer ng Monstera Services Inc., tungkol sa natagpuang bangkay sa storage area ng mga sirang concrete barrier sa SMC Compound.

Sa pagsisiyasat, lumabas na nagtali umano ng duyan ang biktima sa mga concrete barrier. Nang hihiga na siya, bumagsak ang isa sa mga ito at tumama sa kanyang mukha, na pinaniniwalaang naging sanhi ng agarang pagkamatay niya.

Huling namataan ang biktima bandang alas-6:26 ng gabi noong October 22, 2026, nang mag-time out ito sa trabaho. Hindi rin umano siya naiulat na nawawala dahil inakala ng kanyang mga kasamahan na nakauwi na siya.

Humiling naman ang pulisya ng SOCO examination at autopsy upang makatulong sa pagtukoy sa mga detalye at sanhi ng pagkamatay ng biktima.