Natagpuang patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa madamong bahagi ng Cotta By-pass Road, Purok Ligaa, Barangay Ibabang Talim, Lucena City, nitong November 10, 2026.
Ayon sa pulisya, natagpuan ang bangkay bandang ala-una ng madaling-araw at nai-report sa himpilan bandang alas-9:50 ng umaga.
Ang biktima ay nasa legal age, may tinatayang taas na limang talampakan at may tattoo sa kanang bisig.
Isasailalim sa autopsy ang bangkay upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay. Sinusuri na rin ang CCTV footage at kinakausap ang mga saksi upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at posibleng suspek.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.